عن أنس رضي الله عنه : أن أم الربيع بنت البراء وهي أم حارثة بن سراقة، أتت النبي صلى الله عليه وسلم فقالت: يا رسول الله، ألا تُحَدِّثُني عن حارثة -وكان قتل يوم بدر- فإن كان في الجنة صَبَرْتُ، وإن كان غير ذلك اجتهدت عليه في البكاء، فقال: «يا أم حارثة إنها جنان في الجنة، وإن ابنك أصاب الفردوس الأعلى».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Si Umm Ar-Rabī` bint Al-Barrā`, ang ina ni Ḥārithah na anak ni Surāqah, ay pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: O Sugo ni Allah, hindi mo ba ako kukuwentuhan ng tungkol kay Ḥārithah - na napatay noon Araw ng Badr; kung siya ay nasa Paraiso, matitiis ko; at kung siya ay hingi gayon, magpupunyagi ako dahil sa kanya sa pag-iyak. Nagsabi siya: O ina ni Ḥārithah, tunay na may mga paraiso sa Paraiso at tunay na ang anak mo nagkamit ng Kataas-taasang Firdaws."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Pumunta ang ina ni Ḥārithah, malugod sa kanya si Allah, sa Propeta at nagtanong sa kanya tungkol sa kalagayan ng anak niya matapos na magwakas ang labanan. Nagsabi siya: "Kung nakamit niya ang Paraiso, makapagtitiis ako at aasahan ko ang gantimpala buhat kay Allah; at kung ito naman ay hindi gayon, magpupunyagi ako dahil sa kanya sa pag-iyak gaya ng ginagawa ng karamihan sa mga babae." Binalitaan siya ng nakalulugod ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na iyon ay nasa Paraiso at na iyon ay nagtamo ng Kataas-taasang Firdaws."