عن أبي يحيى خريم بن فاتك رضي الله عنه مرفوعاً: «من أنفق نفقة في سبيل الله كُتِبَ لَهُ بِسَبْعِمِائَةِ ضِعْفٍ».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Yaḥyā Khuraym bin Fātik, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang gumugol ng isang gugulin sa landas ni Allah, itatala para sa kanya ang pitong daan ulit."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

Ang pagpapaliwanag

Sa hadith na ito ay nasaad ang kalamangan ng paggugol sa landas ni Allah at na ang gumugugol ay magkakamit ng tulad sa pitong daang ulit ng ginugol niya. Ito ay sumasang-ayon sa sabi ni Allah, pagkataas-taas Niya: "Ang paghahalimbawa sa mga gumugugol ng mga salapi nila sa Landas ni Allah ay katulad ng isang butil na namunga ng pitong puso na ang nasa bawat puso ay isandaang butil. At pinararami ni Allah ang bigay sa kaninumang ninanais Niya. Si Allah ay Malawak sa awa, Maalam." (Qur'an 2:261)

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano الهندية الفيتنامية السنهالية الأيغورية الهوسا
Paglalahad ng mga salin