عن عائشة رضي الله عنها قالت: «اختصم سعد بن أبي وقاص، وعبد بن زَمْعَةَ في غلام: فقال سعد: يا رسول الله، هذا ابن أخي عُتْبَة بن أبي وقاص، عهد إلي أنه ابنه، انظر إلى شبهه. وقال عبد بن زَمْعَةَ: هذا أخي يا رسول الله، ولد على فراش أبي من وليدته، فنظر رسول الله صلى الله عليه وسلم إلى شبهه، فرأى شبها بينا بعُتْبَة، فقال: هو لك يا عبد بن زَمْعَةَ، الولد للفراش وللعاهر الحجر. واحتجبي منه يا سَوْدَة. فلم ير سَوْدَة قط».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagtalo si Sa`d bin Abī Waqqāṣ at `Abd bin Zam`ah hinggil sa isang batang lalaki. Nagsabi si Sa`d: "O Sugo ni Allāh, siya ay anak ng kapatid kong si `Utbah bin Abī Waqqāṣ; ibinilin nito sa akin na ito ay anak niya. Tingnan mo po ang pagkakahawig niya." Nagsabi si `Abd bin Zam`ah: "Ito ay kapatid ko, o Sugo ni Allāh; ipinanganak siya sa higaan ng ama ko mula sa alipin nito." Tumingin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pagkakawangis nito at nakakita ng isang malinaw na pagkakawangis kay `Utbah ngunit nagsabi siya: "Siya ay sa iyo, o `Abd bin Zam`ah. Ang bata ay para sa [may-ari ng] higaan at para sa nangangalunya ay ang pagbato. Magbelo ka sa kanya, o Sawdah." Kaya hindi niya nakita si Sawdah kailanman.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Noong Panahon ng Kamangmangan, sila ay nagpapataw sa mga babaing alipin ng mga buwis na kinikita ng mga ito mula sa pangangalunya. Inuugnay nila ang anak sa lalaking nangalunya kapag nag-angkin ito. Nangalunya si `Utbah bin Abī Waqqāṣ noong Panahon ng Kamangmangan sa isang babaing alipin ni Zam`ah bin Al-Aswad at nagsilang ito ng isang batang lalaki. Nagtagubilin si `Utbah sa kapatid niyang si Sa`d na iugnay ang batang ito sa kaangkanan nito. Noong dumating ang pagsakop sa Makkah at nakita ni Sa`d ang bata, nakilala niya ito dahil sa pagkakawangis nito sa kapatid niya. Ninais niyang bawiin ito kaya nagtalo siya at si `Abd bin Zam`ah dahil dito. Naglatag si Sa`ad ng katwiran niya: na ang kapatid niya ay umaming ito ay anak niya at dahil na rin sa pagkakawangis nilang dalawa. Nagsabi naman si `Abd bin Zam`ah: "Siya ay kapatid ko; ipinanganak siya mula sa alipin ng ama ko." Tumingin ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa bata at nakakita siya rito ng isang malinaw na pagkakawangis kay `Utbah subalit inihatol niyang ito ay para kay Zam`ah dahil ang pangunahing panuntunan ay na ito ay nauukol sa may-ari ng aliping babae. Nagsabi siya: "Ang bata ay nauugnay sa [may-ari ng] higaan at para sa nangangalunya ay ang kabiguan at ang kalugihan kaya naman siya ay malayo sa bata." Subalit noong nakita niya ang pagkakawangis ng bata kay `Utbah, nagpakaingat siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mapahintulutan ang pagtingin sa babaing kapatid ni `Abd bin Zam`ah, si Sawdah bin Zam`ah, dahil sa pagkakaugnay na ito kaya ipinag-utos niyang magbelo si Sawdah sa harap nito bilang pangangalaga at pagpapakaingat.