عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه مرفوعاً: «على كل مسلم صدقة» قال: أرأيت إن لم يجد؟ قال: «يعمل بيديه فينفع نفسه ويتصدق» قال: أرأيت إن لم يستطع؟ قال: «يُعِينُ ذا الحاجة المَلْهُوفَ» قال: أرأيت إن لم يستطع، قال: «يأمر بالمعروف أو الخير». قال: أرأيت إن لم يفعل؟ قال: «يُمسك عن الشر، فإنها صدقة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya: "Kailangan sa bawat Muslim [na magbigay] ng kawanggawa." Sinabi: "Ano sa tingin mo kung hindi siya nakasumpong [ng maibibgay]?" Nagsabi siya: "Magtatrabaho siya sa pamamagitan ng mga kamay niya at makikinabang ang sarili niya at magkakawanggawa siya." Sinabi: "Ano sa tingin mo kung hindi niya makakaya?" Nagsabi siya: "Tutulungan niya ang may pangangailangang nagigipit." Sinabi: "Ano sa tingin mo kung hindi niya makakaya?" Nagsabi siya: "Ipag-uutos niya ang nakabubuti o ang mabuti." Sinabi: "Ano sa tingin mo kung hindi niya gagawin." Nagsabi siya: "Magpipigil siya sa kasamaan sapagkat tunay na ito ay isang kawanggawa."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kay Allah ay tungkulin nating magkawanggawa bawat araw. Kapag hindi nakatagpo ng salapi, magtatrabaho sa pamamagitan ng mga kamay upang magkamit ng salapi at makikinabang ang sarili at magkakawanggawa mula rito. Kung hindi makakaya ay tutulong sa may pangangailangang naaapi o walang kakayahan. Kung hindi makakaya ay mag-uutos ng nakabubuti o magtatatwa ng nakasasama. Kung hind pa rin makakaya ay pipigilan ang sarili sa kasamaan.