عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه مرفوعاً: «ثلاثة لهم أجران: رجل من أهل الكتاب آمن بنبيه، وآمن بمحمد، والعبد المملوك إذا أدى حق الله، وحق مواليه، ورجل كانت له أمة فأدبها فأحسن تأديبها، وعلمها فأحسن تعليمها، ثم أعتقها فتزوجها؛ فله أجران».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "May tatlong magkakamit ng dalawang gantimpala. Isang taong kabilang sa mga may kasulatan na sumampalataya sa propeta niya at sumampalataya kay Muḥammad. Ang aliping minamay-ari kapag ginampanan niya ang karapatan ni Allāh at ang karapatan ng amo niya. Isang lalaking may babaeng alipin, na hinubog niya ang kaasalan nito at hinusayan niya ang paghubog sa kaasalan nito, tinuruan niya ito at hinusayan niya ang pagtuturo niya rito, pagkatapos ay pinalaya niya ito at pinakasalan niya ito, kaya siya ay may dalawang gantimpala."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
May [nasaad] sa ḥadīth na ito na isang paglilinaw sa kalamangan ng sinumang sumampalataya, na kabilang sa mga may kasulatan, sa Islām dahil sa pribilehiyo ng pagsunod sa relihiyon nila at pagsunod sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nasaad dito ang kalamangan ng aliping gumaganap sa karapatan ni Allāh at karapatan ng amo niya. Nasaad dito ang kalamangan ng sinumang humubog sa kaasalan ng babaing alipin niya, hinusayan ang paghuhubog sa kaasalan nito, pagkatapos ay pinalaya ito at pinakasalan ito. Kaya naman magkakaroon siya ng gantimpala dahil hinusayan niya ang pagkikitungo rito at pinalaya niya ito. Magkakaroon pa rin siya ng isa pang gantimpala kapag pinakasalan niya ito, inalagaan, at iningatan ang karangalan nito.