عن ابن عمر رضي الله عنهما مرفوعاً: «إن العبد إذا نصح لسيده، وأحسن عبادة الله، فله أجره مرتين».
عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه مرفوعاً: «المملوك الذي يحسن عبادة ربه، ويُؤدي إلى سيده الذي عليه من الحق، والنصيحة، والطاعة، له أجران».
[صحيح] - [حديث ابن عمر رضي الله عنه متفق عليه.
حديث أبي موسى رضي الله عنه رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Tunay na ang alipin kapag nagpayo sa pinapanginoon niya at hinusayan ang pagsamba kay Allah, magtatamo siya ng gantimpala niya nang dalawang ulit." Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy: "Ang aliping nagpapakahusay sa pagsamba sa Panginoon niya at ginagampanan sa pinapanginoon niya ang ukol dito na tungkulin, pagpapayo, at pagtalima, ay magkakamit ng dalawang gantimpala."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan]
Sa ḥadīth na ito ay may kagandahang-loob ni Allah sa aliping gumaganap sa karapatan ng Panginoon niya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagtalima at sa karapatan ng pinapanginoon niya sa pamamagitan ng paglilingkod niya at pangangalaga sa mga kapakanan nito, at na makakamit niya ang gantimpalang iyon nang makalawang ulit.