عن عائشة رضي الله عنها قالت: ما صَلَّى رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم صلاةً بَعْدَ أَنْ نَزَلَتْ عليه: (إذا جاء نصر الله والفتح) إلا يقول فيها: «سُبْحَانَكَ رَبَّنَا وبِحَمْدِكَ، اللهمَّ اغْفِرْ لِي».
وفي رواية: كانَ رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم يُكْثِرُ أَنْ يَقُولَ في رُكُوعِهِ وسُجُودِهِ: «سُبْحَانَكَ اللهُمَّ رَبَّنَا وَبِحَمْدِكَ، اللهُمَّ اغْفِرْ لِي»، يَتَأَوَّلُ القُرْآنَ.
وفي رواية: كَانَ رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم يُكْثِرُ أَنْ يَقُولَ قَبْلَ أَنْ يَمُوتَ: «سُبْحَانَكَ اللهُمَّ وَبِحَمْدِكَ أَسْتَغْفِرُكَ وَأَتُوبُ إِلَيْكَ». قالتْ عَائِشَةُ: قلتُ: يا رسولَ اللهِ، ما هذهِ الكلماتُ التي أراكَ أَحْدَثْتَهَا تَقُولُها؟ قال: «جُعِلَتْ لِي عَلَامَةٌ فِي أُمَّتِي إِذَا رَأَيْتُهَا قُلْتُهَا (إذا جاء نصر الله والفتح)... إلى آخر السورة».
وفي رواية: كانَ رسولُ الله صلى الله عليه وسلم يُكْثِرُ مِنْ قَوْلِ: «سُبْحَانَ اللهِ وَبِحَمْدِهِ أَسْتَغْفِرُ اللهَ وَأَتُوبُ إِلَيْهِ». قالتْ: قلتُ: يا رسولَ اللهِ، أراكَ تُكْثِرُ مِنْ قَوْلِ سُبْحَانَ اللهِ وَبِحَمْدِهِ أَسْتَغْفِرُ اللهَ وأَتُوبُ إليهِ؟ فقالَ: «أَخْبَرَنِي رَبِّي أَنِّي سَأَرَى عَلَامَةً فِي أُمَّتِي فَإِذَا رَأَيْتُهَا أَكْثَرْتُ مِنْ قَوْلِ: سُبْحَانَ اللهِ وَبِحَمْدِهِ أَسْتَغْفِرُ اللهَ وَأَتُوبُ إليهِ فَقَدْ رَأَيْتُهَا: إذا جاء نصر الله والفتح، فَتْحُ مَكَّةَ، ورأيت الناس يدخلون في دين الله أفواجاً، فسبح بحمد ربك واستغفره إنه كان تواباً».
[صحيح] - [متفق عليه بجميع رواياته]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Hindi nagdasal ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang dasal matapos bumaba sa kanya ang [Kabanata 110 ng Qur'ān:] "Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop..." malibang nagsasabi siya rito ng: "Subḥānaka -llāhumma rabbanā wa biḥamdika, allāhumma -ghfir lī. (Napakamaluwalhati Mo, o Allāh, Panginoon namin at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Sa isang sanaysay: "Ang Sugo ni Allah noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpapadalas na magsabi sa pagyukod niya at pagpapatirapa niya ng: Subḥānaka -llāhumma rabbanā wa biḥamdika, allāhumma -ghfir lī. (Napakamaluwalhati Mo, o Allāh, Panginoon namin at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.) Ginagawa niya ang utos ng Qur'ān." Sa isang sanaysay: "Ang Sugo ni Allah noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpapadalas na magsabi bago siya mamatay: Subḥānaka -llāhumma wa biḥamdika, astaghfiruka wa atūbu ilayka. (Napakamaluwalhati Mo, o Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.) Nagsabi siya: Gumawa para sa akin ng isang tanda sa Kalipunan ko, kapag nakita ko iyon ay sasabihin ko iyon (Qur'ān 110): Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop...hanggang sa wakas ng kabanata." Sa isang sanaysay: "Ang Sugo ni Allah noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpapadalas na magsabi bago siya mamatay: Subḥāna -llāhi wa biḥamdihi, astaghfiru -llāha wa atūbu ilayhi. (Napakamaluwalhati ni Allāh, at kalakip ng papuri sa Kanya. Humihingi ako ng tawad kay Allah at nagbabalik-loob ako sa Kanya.) Nagsabi ito: Nagsabi ako: O Sugo ni Allah, nakakikita ako sa iyo na nagpapadalas sa pagsabi ng: Subḥāna -llāhi wa biḥamdihi, astaghfiru -llāha wa atūbu ilayhi. (Napakamaluwalhati ni Allāh, at kalakip ng papuri sa Kanya. Humihingi ako ng tawad kay Allah at nagbabalik-loob ako sa Kanya.) Kaya nagsabi siya: Nagpabatid sa akin ang Panginoon ko na ako ay makakikita ng isang tanda sa Kalipunan ko at kapag nakita iyon, dadalasan ko ang pagsabi ng: Subḥāna -llāhi wa biḥamdihi, astaghfiru -llāha wa atūbu ilayhi. (Napakamaluwalhati ni Allāh, at kalakip ng papuri sa Kanya. Humihingi ako ng tawad kay Allah at nagbabalik-loob ako sa Kanya.) Nakita ko nga iyon (Qur'ān 110): Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop, (ang pagsakop sa Makkah) at nakita mo ang mga tao na pumapasok sa Relihiyon mula kay Allah na mga pulu-pulutong ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad."
[Tumpak] - [Napaagkaisahan sa Katumpakan sa buong naisalaysay niya]
Nagsabi si `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi nagdasal ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang dasal matapos bumaba sa kanya ang Kabanata An-Naṣr [ng Qur'ān:] malibang nagsasabi siya sa pagyukod dito at pagpapatirapa rito ng: Subḥānaka -llāhumma rabbanā wa biḥamdika, allāhumma -ghfir lī. (Napakamaluwalhati Mo, o Allāh, Panginoon namin at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Ginagawa niya ang ipinag-utos sa kanya sa Qur'ān sa sabi ni Allah: "magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad." Ipinabatid ni `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na siya ay nagtanong sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa mga salitang ito na sinasabi niya sa pagyukod at pagpapatirapa. Ipinabatid niya rito na si Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas, ay nagpabatid sa kanya na siya ay makakikita na isang tanda sa Kalipunan niya. Kapag nakita niya iyon, dadalasan niya ang pagsabi ng: Subḥāna -llāhi wa biḥamdihi, astaghfiru -llāha wa atūbu ilayhi. (Napakamaluwalhati ni Allāh, at kalakip ng papuri sa Kanya. Humihingi ako ng tawad kay Allah at nagbabalik-loob ako sa Kanya.) Ang tandang ito ay [ang Qur'ān 110]: "Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop, (ang pagsakop sa Makkah) at nakita mo ang mga tao na pumapasok sa Relihiyon mula kay Allah na mga pulu-pulutong ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad."