عن أبي أمامة رضي الله عنه مرفوعاً: «مَنْ صام يومًا في سَبِيل الله جَعل الله بينه وبَيْن النِّار خَنْدَقًا كما بين السماء والأرض».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, maglalagay si Allāh sa pagitan niya at ng Impiyerno ng isang kanal [na ang luwang ay] gaya ng sa pagitan ng langit at lupa."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]
Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, na nagnanais dahil niyon ng gantimpala ni Allāh, pagkataas-taas Niya, maglalagay si Allāh sa pagitan niya at ng Impiyerno ng isang kanal..." Tumutukoy ito sa isang tabing na matindi, matatag, na malayo sa layong mahaba na ang sukat ay gaya ng [luwang] ng pagitan ng langit at lupa: layong 500 taon, gaya ng nasa ḥadīth ayon kay Al-`Abbās bin `Abdulmuṭṭalib, malugod si Allāh sa kanya. Nagsabi siya: "Kami noon ay nasa tabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: 'Nalalaman ba ninyo kung ilan ang [layong] nasa pagitan ng langit at lupa?' Nagsabi kami: 'Si Allāh ay higit na nakaaalam at ang Sugo Niya.' Nagsabi siya: 'Sa pagitan ng dalawa ay may layong limang daang taon.'"