عن أبي أمامة رضي الله عنه : أن رجلًا، قال: يا رسول الله، ائْذَنْ لي في السِيَاحَة! فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «إن سِيَاحَة أُمَّتِي الجِهاد في سَبِيلِ الله عز وجل ».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "May isang lalaki na nagsabi: O Sugo ni Allah, ipahintulot mo po sa akin ang paggala. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Tunay na ang paggala ng Kalipunan ko ay ang Pakikibaka sa landas ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Ang kahulugan ng hadith: May isang lalaki na pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na humihiling sa kanya na pahintulutan ito na pumunta sa mga bayan at maglakbay sa mundo para gumala. Ang nilalayon niya roon ay ang pagsamba. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na ang paggala ng Kalipunan ko ay ang Pakikibaka sa landas ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan." Ang kahulugan nito: Kapag ninais mong gumala ay kailangan sa iyo ang Pakikibaka sa landas ni Allah sapagkat ito ang paggala ng Kalipunan ko dahil doon ay naipalalaganap ang relihiyon ni Allah, pagkataas-taas Niya, at naitatanim ang mga simulain nito at ang mga dakilang saligan nito. Tungkol naman sa pag-iwan ng bayan at pagkakalayo sa mag-anak para sa pagsamba, bawal ito at ang pinakamababa sa mga kalagayan nito ay ang pagiging kasuklam-suklam. Nagsabi si Allah: "Ipapalit ba ninyo ang higit na hamak sa higit na mabuti" (Qur'an 2:61) Sa isang sanaysay buhat kay Ahmad: "Kailangan sa iyo ang pakikibaka sapagkat ito ay monastisismo ng Islam."