عن الشعبي قال: كان بين رجل من المنافقين ورجل من اليهود خصومة فقال اليهودي: نتحاكم إلى محمد؛ لأنه عرف أنه لا يأخذ الرِشْوَةَ، وقال المنافق: نتحاكم إلى اليهود؛ لعلمه أنهم يأخذون الرِشْوَةَ، فاتفقا أن يأتيا كاهنا في جُهَيْنَةَ فيتحاكما إليه، فنَزلت: {أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ يَزْعُمُونَ أَنَّهُمْ آمَنُوا بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلِكَ يُرِيدُونَ أَنْ يَتَحَاكَمُوا إِلَى الطَّاغُوتِ...}.
[لم أجد له حكماً عند الألباني، وهو مرسل؛ لأن الشعبي تابعي، ولم يدرك القصة.] - [رواه ابن جرير عن الشعبي مرسلا.]
المزيــد ...

Ayon kay `Āmir bin Sharāḥīl Ash-Sha`bīy na nagsabi: Sa pagitan ng isang lalaking kabilang sa mga nagpapanggap na mananampalataya at isang lalaking kabilang sa mga Hudyo ay may isang nangyaring pagtatalo kaya nagsabi ang Hudyo: "Magpahatol tayo kay Muhammad dahil siya ay nakilala na siya ay hindi tumatanggap ng suhol." Nagsabi ang nagpapanggap na mananampalataya: "Magpahatol tayo sa mga Hudyo," dahil sa pagkakaalam niya na sila ay tumatanggap ng suhol. Nagkasundo silang dalawa na pumunta sa isang manghuhula sa Juhaynah at nagpahatol doon kaya bumaba ito (Qur'an 4:60): "Hindi mo ba napag-alaman ang mga nag-aangkin na sila ay sumampalataya raw sa anumang ibinaba sa iyo at sa anumang ibinaba noong wala ka pa? Ninanais nilang magpahatol sa nagdidiyus-diyusan..."
-

Ang pagpapaliwanag

Isinasay ni Ash-Sha`bīy, kaawaan siya ni Allah, na ang marangal na talatang ito (Qur'an 4:60): "Hindi mo ba napag-alaman ang mga nag-aangkin..." ay ibinaba dahilan sa nangyari sa isang lalaking nag-aangkin ng pananampalataya at nagnanais na magpahatol sa iba pa sa Sugo, (s), bilang pagtakas sa kahatulang makatarungan, na gumanyak sa kanya sa pagpapahatol sa nagdidiyus-diyusan nang walang pagpansin sa inireresulta niyon na pagsalungat sa pananampalataya, na nagpapatunay sa pagsisinungaling niya sa pag-aangkin niya ng pananampalataya. Kaya ang sinumang gumawa ng tulad sa gawa niya, ito ay tulad niya sa kahatulang ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano الهندية
Paglalahad ng mga salin