عن عبد الله بن عَبَّاسٍ رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «أُمِرْتُ أن أَسْجُدَ على سَبْعَةِ أَعْظُمٍ: على الْجَبْهَةِ -وأشار بيده إلى أنفه- واليدين، والرُّكْبَتَيْنِ ، وأطراف القدمين».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: ((Napag-utusan ako na magpatirapa sa pitong bahagi [ng katawan]: Sa noo-At itinuro nito sa kamay niya ang ilong niya-at ang dalawang kamay,ang dalawang tuhod,at ang dulo ng dalawang kamay))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinag-utos ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa Kanyang Propeta na si Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magpatirapa sa Kanya sa pitong bahagi [ng katawan],Ito ang pinakamarangal sa bahagi ng katawan at ang pinakamainam rito,upang gamtin ito sa pagpapakumbaba niya at pagsamba niya para kay Allah,Binanggit ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kabuuan nito,pagkatapos ay idenetalye niya ito upang maging ganap sa pagsasa-ulo at kapana-panabik sa pagsasalaysay: Ang una rito:Ang noo at ang ilong,Ang pangalawa at pangatlo: Ang dalawang kamay;ilalagay sa lupa ang dalawang palad nito,At ang pang-apat at panglima:Ang dalawang tuhod.At ang pang-anim at pampito:Ang dulo ng dalawang paa,at pinapaharap ang mga daliri nito sa Qiblah.