عن أبي هريرة رضي الله عنه ، قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «مَنعت العراق دِرْهَمِها وقِفِّيزها، ومنعت الشام مُدْيها ودينارها، ومنعت مصر إردَبَّها ودينارها، وعُدتم مِن حيث بَدَأتُم، وعُدتم من حيث بدأتم، وعُدتم من حيث بدأتم» شَهِد على ذلك لحم أبي هريرة ودمه.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah -malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Sabi ng Propeta -Pagpalain siya ng Allah at pangalagaan-:((Pipigilan ng Iraq ang kanyang dirham at ang kanyang Qiffeez(eskala), at pipigilan ng Sham ang kanyang Mudyi (eskala) at ang kanyang dinar, at pipigilan ng Ehipto ang kanyang Irdab (eskala) at ang kanyang dinar, at nakakabalik kayo kung saan kayong nag-umpisa, at nakakabalik kayo kung saan kayong nag-umpisa, at nakakabalik kayo kung saan kayong nag-umpisa)) nasaksihan iyon ng laman ni Abū Hurayrah at ng kanyang dugo.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Inilathala ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na ang mga muslim ay mabubuksan nila ang bansang Iraq at Sham at Ehipto, at may ilalagay sa kanila na tinatantyang bagay sa pamamagitan ng mga eskala at mga timbang at ibibigay ito sa mga muslim, at pipigilan iyon sa huling panahon, marahil ang mga Kuffar na nasa mga lugar na ito ay lalabagin nila ang kasunduan at hindi nila babayaran ang mga kayamanan na nakalaan laban sa kanila, o di naman kaya marahil dahil sa pagsakop ng mga istrangherong Kuffar sa mga lugar na ito at haharangin nila ang pag-abot ng mga kayamanan sa mga muslim, at sa panahon na iyon ay magiging mahina mahirap istranghero ang mga muslim katulad ng kanilang kalagayan sa unang panahon ng Islam.