عن حذيفة رضي الله عنه قال: صليت مع النبي صلى الله عليه وسلم ذات ليلة، فافتتح البقرة، فقلت: يركع عند المائة، ثم مضى، فقلت: يصلي بها في ركعة، فمضى، فقلت: يركع بها، ثم افتتح النساء، فقرأها، ثم افتتح آل عمران، فقرأها، يقرأ مُتَرَسِّلًا، إذا مر بآية فيها تسبيح سبح، وإذا مر بسؤال سأل، وإذا مر بتعوذ تعوذ، ثم ركع، فجعل يقول: «سبحان ربي العظيم»، فكان ركوعه نحوًا من قيامه، ثم قال: «سمع الله لمن حمده»، ثم قام طويلا قريبا مما ركع، ثم سجد، فقال: «سبحان ربي الأعلى»، فكان سجوده قريبا من قيامه. قال: وفي حديث جرير من الزيادة، فقال: «سمع الله لمن حمده ربنا لك الحمد».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Ḥudhayfah bin Al-Yamān, malugod si Allāh sa kanya: "Nagdasal ako kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang gabi. Nagsimula siya sa Al-Baqarah at inakala ko na yuyuko siya sa ikaisandaang [talata]. Pagkatapos ay nagpatuloy siya at inakala ko na dadasalin niya [ang buong sūrah na] ito sa isang rak`ah ngunit nagpatuloy siya at inakala ko yuyuko siya pagkatapos nito. Pagkatapos ay nagsimula siya sa An-Nisā' at binigkas niya ito. Pagkatapos ay nagsimula siya sa Āl `Imrān at binigkas niya ito. Binibigkas niya ito nang marahan. Kapag napadaan siya sa isang talatang may pagluluwalhati [kay Allah], nagluluwalhati siya. Kapag napadaan siya sa [talatang] may paghiling, humihiling siya. Kapag napadaan siya sa [talatang] may pagpapakupkop [kay Allāh], nagpapakupkop siya. Pagkatapos ay yumuyuko siya at nagsimulang nagsasabi ng subḥāna rabbiya -l-`ađīm (Napakamaluwalhati ng Dakilang Panginoon ko). Ang pagyuko niya ay kasing haba ng pagtayo niya.Pagkatapos ay nagsasabi siya ng sami`a -llāhu liman ḥamidahu (Dinidinig ni Allāh ang sinumang nagpupuri sa Kanya;. Pagkatapos ay tumayo siya nang kasingtagal ng pagyuko niya at nagsasabi ng subḥāna rabbiya -l-a`lā (Napakamaluwalhati ng Kataas-taasang Panginoon ko). Kaya ang pagpapatirapa niya kasing haba ng pagtayo niya." Nagsabi siya: At sa Hadith ni Jarir na may halong dagdag,nagsabi siya ng: ((Dinidinig ni Allāh ang sinumang nagpupuri sa Kanya,Panginoon namin ang lahat ng papuri ay sa Iyo lamang))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinapaalam ni Hudhayfah, malugod si Allah sa kanya- na siya ay nagdasal kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng dasal sa hating-gabi,at siya nagsasabi sa pagyuko niya ng " Napakamaluwalhati ng panginoon ko Ang pinakadakila" At sa pagpapatirapa niya ay " Napakamaluwalhati ng panginoon ko Ang pinakamataas" At ay nagpapatunay sa pagpapahintulot ng paggunitang ito sa pagyuko at pagpapatirapa, " Siya ay nagsasabi sa pagyuko niya ng "Napakamaluwalhati ng panginoon ko Ang pinakadakila" At sa pagpapatirapa niya ay " Napakamaluwalhati ng panginoon ko Ang pinakamataas" " At hindi siya dumaan sa talata na [binabanggit ang] pagkahabag maliban sa siya ay humihinto rito at humihiling" Ibig sabihin ay: Kapag dumaraan siya sa isang talata na bumabanggit ng paraiso at mga biyaya,Hindi siya lumalagpas rito hanggat hindi siya humihiling sa Allah-pagkaataas-taas Niya, At nagsasabi siya ng: O Allah! Ako ay humihiling sa Iyo ng paraiso,at humihiling Siya sa Allah-Pagkataas-taas Niya ng mga kainaman nito. At kapag dumaraan siya sa [talatang bumabanggit ng pagpupuri sa mga Propeta o matutuwid na tao o sa mga kapareho nito,Siya ay nagsasabi na: Hinihiling ko sa Allah ang kainaman nito,o hinihiling ko sa Allah na mapabilang ako sa kanila o ang mga kapareho nito. " At hindi sa talatang may [pagbabanggit] ng kaparusahan maliban sa siya ay humihinto rito at nagpapaakupkop" Ibig sabihin ay: Kapag dumaraan siya sa talatang bumabanggit ng kaparusahan at bumabanggit ng Impiyerno at sa kalagayan ng nananahanan rito,Hindi siya lumalagpas rito hanggat hindi siya nagpapakupkop roon. Kaya`t kaibig-ibig ang pagsunod sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-subalit ginawa itong partikular lamang, ng mga grupo ng eskolar na para lamang sa dasal na Sunnah;dahil walang naisalaysay buhat sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ganoon,sa dasal na obligado,kahit pa sa dami ng paglalarawan sa pagbabasa niya sa dasal na obligado,At kung ginagawa man niya ito sa obligadong dasal minsan,ay walang pagkakasala, Dahil ang mga bagay na napagtibay sa obligadong [dasal],ay ipinapahintulot sa Sunnah [na pagdarasal],at ito ay kabaliktaran naman,maliban kung may nagpapatunay na katibayaan sa [pagiging] partikular nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano الهندية
Paglalahad ng mga salin