عن ابن عمر رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم كان يَرفع يَديه حَذو مَنْكِبيه إذا افتتح الصلاة، وإذا كَبَّر للركوع، وإذا رفع رأسه من الركوع، رفَعَهما كذلك أيضا، وقال: سمع الله لمن حَمِدَه، ربَّنَا ولك الحَمد، وكان لا يَفعل ذلك في السُّجود.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Ibn 'Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagtataas sa dalawang kamay niya sa tapat ng dalawang balikat niya, kapag siya ay nagbubukas siya sa pagdarasal,at gayundin kapag siya ay Nagdadakila sa Allah [Pagbikas sa Allahu Akbar],para sa pagyuko.At kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,gayundin ay itinataas niya ang dalawang[kamay niya],at Nagsasabi siya: Naririnig ni Allah ang sinumang nagbibigay Puri sa Kanya,O Panginoon namin, Ang Papuri ay ukol sa Iyo. At hindi niya ito ginagawa sa pagpapatirapa.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagbubukas ng pagdarasal sa pagdadakila kay Allah [pagbigkas ng Allahu Akbar],itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa harapan ng dalawang balikat niya,nakatapat sa dalawang ito ,sa tumpak nitong [pagtapat] At gayundin ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay itinataas niya ang dalawang kamay niya sa pagsisimula niya sa pagyuko at sa pagsisimula niya sa pagbangon mula rito,Sa tatlong kalagayang ito,ay Kaibig-ibig ang pagtataas sa dalawang kamay sa tapat ng dalawang balikat.At sinasabi niya : Sa pagtaas mula sa pagyuko: Naririnig ni Allah ang sinumang nagbibigay Puri sa Kanya, O Panginoon namin,Ang Papuri ay ukol sa Iyo,Pinag-sama niya ang Pagdinig at Pagpuri,Ito ay para lamang sa Imam at sa bawat nag-aalay ng dasal na nag-iisa. Ang mga Ma'mūm [sumusunod sa Imām] ay sasabihin nilang:( O Panginoon namin ang Papuri ay ukol sa Iyo,dahil sa ito ang naisalaysay sa Sunnah, tulad ng nakasaad sa Sahīhayn, sa Hadith ni Anas-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi:( At kapag nagsabi siya ng : Naririnig ni Allah ang sinumang nagbigay Puri sa Kanya-Sabihin ninyong: O Panginoon namin, Ang Papuri ay ukol sa Iyo), At Hindi niya itinataas ang dalawang kamay niya sa pagbaba para sa pagpapatirapa, at gayundin sa pagbangon niya,Pinagtitibay ito sa iba pang salaysay ni Imam Al-Bukhārīy:( At Hindi niya ito ginagawa sa oras na siya ay nagpapatirapa at sa oras na itinataas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa)

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano الهندية الأيغورية الكردية الهوسا البرتغالية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan