عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «لَقَدْ رَأَيْتُ رَجُلًا يَتَقَلَّبُ في الجنةِ في شَجَرَةٍ قَطَعَهَا مِنْ ظَهْرِ الطَّرِيقِ كَانتْ تُؤْذِي المسلمينَ». وفي رواية: «مَرَّ رَجُلٌ بِغُصْنِ شَجَرَةٍ عَلَى ظَهْرِ طَرِيقٍ، فقالَ: واللهِ لأُنَحِّيَنَّ هَذَا عَنِ المسلمينَ لَا يُؤْذِيهِمْ، فَأُدْخِلَ الجَنَّةَ». وفي رواية: «بينما رَجُلٌ يَمْشِي بِطَرِيقٍ وَجَدَ غُصْنَ شَوْكٍ عَلَى الطَّرِيقِ فَأَخَّرَهُ فَشَكَرَ اللهُ لهُ، فَغَفَرَ لهُ».
[صحيح] - [الرواية الأولى: رواها مسلم الرواية الثانية: رواها مسلم الرواية الثالثة: متفق عليها]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Talaga ngang nakakita ako ng isang lalaking nagliliwaliw sa Paraiso dahil sa isang punongkahoy na pinutol niya mula sa gitna ng daan na nakapipinsala noon sa mga Muslim." Sa isang sanaysay: "Napadaan ang isang lalaki sa sanga ng isang punongkahoy na umaabot sa gitna ng daan. Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allah, talagang aalisin ko nga ito para sa mga Muslim upang hindi makapinsala sa kanila.' At ipinasok siya sa Paraiso." Sa isa pang sanaysay: "Habang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang daan, nakatagpo siya ng isang sangang matinik sa daan. Itinabi niya ito at kinilala ni Allah ang kabutihan niya at pinatawad siya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang ḥadīth na nabanggit ay malinaw hinggil sa kabutihan ng pag-aalis ng nakapipinsala sa daan. Magkatulad lamang kung ang nakapipinsala ay isang puno, o isang sangang matinik, o isang batong nakatitisod, o isang patay, at iba pa. Ang pag-aalis ng nakapipinsala sa daan ay isang sangay ng pananampalataya gaya na nasaad sa tumpak na hadith. Tungkol naman sa sinabi niya: "Talaga ngang nakakita ako ng isang lalaking gumagala-gala sa Paraiso" ito ay nangangahulugang nagpapagala-gala siya at nagpapasarap sa Paraiso. Ang sabi niya: "dahil sa isang puno" ay nangangahulugang bunsod nito at idinahilan nito. Ang "pinutol niya mula sa gitna ng daan" ay nagsabi si An-Nawawīy: Ibig sabihin: nagpapakaligaya sa Paraiso sa pamamagitan ng mga sarap doon dahilan sa pag-alis niya ng puno sa daan at paglalayo niya nito mula roon. Ang "nakapipinsala noon sa mga Muslim" ay nangangahulugang "sila noon ay napipinsala dahil doon." Nagsabi si Al-Qārī: Mayroon ditong pagpapalabis sa pagpuksa sa nakapipinsala at pag-aalis dito sa anumang paraan. Nagbibigay-babala rin ang hadith sa kabutihan ng anumang nagdudulot ng pakinabang sa mga Muslim nag-aalis sa kanila ng kapinsalaan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano الهندية الفيتنامية الكردية
Paglalahad ng mga salin