عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا أَحَبَّ اللهُ تعالى العَبْدَ، نَادَى جِبْرِيلَ: إنَّ اللهَ تعالى يُحِبُّ فلاناً، فَأَحْبِبْهُ، فَيُحِبُّهُ جِبْرِيلُ، فَيُنَادِي في أَهْلِ السَّمَاءِ: إنَّ اللهَ يحِبُّ فلاناً، فَأَحِبُّوهُ، فَيُحِبُّهُ أَهْلُ السَّمَاءِ، ثُمَّ يُوضَعُ لَهُ القَبُولُ في الأرضِ».
وفي رواية: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إنَّ اللهَ تعالى إذا أَحَبَّ عَبْدًا دَعَا جِبْرِيلَ، فقال: إني أُحِبُّ فلاناً فَأَحْبِبْهُ، فَيُحِبُّهُ جِبْرِيلُ، ثم ينادي في السَّمَاءِ، فيقول: إنَّ اللهَ يُحِبُّ فلاناً فَأَحِبُّوهُ، فَيُحِبُّهُ أَهْلُ السَّمَاءِ، ثُمَّ يُوضَعُ له القَبُولُ في الأرضِ، وإذا أَبْغَضَ عَبْدًا دَعَا جِبْرِيلَ، فيقول: إني أُبْغِضُ فلاناً فَأَبْغِضْهُ. فَيُبْغِضُهُ جِبْرِيلُ، ثُمَّ ينادي في أَهْلِ السَّمَاءِ: إنَّ اللهَ يُبْغِضُ فلاناً فَأَبْغِضُوهُ، ثُمَّ تُوضَعُ له البَغْضَاءُ في الأرضِ».
[صحيح] - [متفق عليه. الرواية الأولى لفظ البخاري، والثانية لفظ مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag inibig ni Allah, pagkataas-taas Niya, ang tao, tinatawag Niya si Jibrīl [upang magsabi]: Tunay na si Allah ay umiibig kay Polano kaya ibigin mo ito. Kaya iibigin ito ni Jibrīl at mananawagan siya sa mga naninirahan sa langit: Tunay na si Allah ay umiibig kay Polano kaya ibigin ninyo ito. Kaya iibigin ito ng mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagtanggap sa lupa." Sa isang sanaysay ni Muslim: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tinatawag Niya si Jibrīl at nagsasabi: Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya ibigin mo ito. Kaya iibigin ito ni Jibrīl. Pagkatapos ay mananawagan siya sa langit at magsasabi: Tunay na si Allah ay umiibig kay Polano kaya ibigin ninyo ito. Kaya iibigin ito ng mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagtanggap sa lupa. Kapag nasuklam Siya sa isang tao ay tinatawag Niya si Jibrīl at nagsasabi: Tunay na Ako ay nasusuklam kay Polano kaya kasuklaman mo ito. Kaya kasusuklaman ito ni Jibrīl. Pagkatapos ay mananawagan siya sa mga naninirahan sa langit: Tunay na si Allah ay nasusuklam kay Polano kaya kasuklaman ninyo ito. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagkasuklam sa lupa."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang hadith na ito ay tungkol sa paglilinaw sa pag-ibig ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, at na si Allah, pagkataas-taas Niya, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tumatawag kay Jibrīl. Si Jibrīl ay ang pinakamarangal sa mga anghel kung papaanong si Muhammad, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay ang pinakamarangal sa mga tao. Tinatawag Niya si Jibrīl: "Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya ibigin mo ito." Kaya iibigin ito ni Jibrīl. Pagkatapos ay mananawagan siya sa mga naninirahan sa langit: "Tunay na si Allah ay umiibig kay Polano kaya ibigin ninyo ito." Kaya iibigin ito ng mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagtanggap sa lupa. Kaya naman iibigin siya ng mga naninirahan sa lupa. Kapag nasuklam si Allah sa isang tao ay tinatawag Niya si Jibrīl [at nagsasabi]: "Tunay na Ako ay nasusuklam kay Polano kaya kasuklaman mo ito." Kaya kasusuklaman ito ni Jibrīl. Pagkatapos ay mananawagan siya sa mga naninirahan sa langit: "Tunay na si Allah ay nasusuklam kay Polano kaya kasuklaman ninyo ito." Kaya kasusuklaman ito ng mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagkasuklam sa lupa. Kaya naman kasusuklaman ito ng mga naninirahan sa lupa. Ito rin ay kabilang sa mga tanda ng pag-ibig ni Allah. Inilalagay Niya sa tao ang pagtanggap sa lupa para ito ay maging katanggap-tanggap sa mga tao at kaibig-ibig sa kanila sapagkat tunay na ito ay kabilang sa mga tanda ng pag-ibig ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa tao.